uling1

Marso 7, 2018, Basud, Camarines Norte – Nasabat sa pagpapatrolya kaninang umaga ng Basud PNP na pingugunahan ni SPO1 Adonis V. Navarro sa ilalim ng pangangasiwa ni OIC PSI Diana R. De Vera ang 34 sako ng uling sa isang barung barong sa Purok-2, Barangay Binatagan, Basud, Camarines Norte.

Sa imbestigasyon ng Basud PNP, napag alamang ang nasambit na barung-barong ay pag aari ni Roberto Reambillo y Aceron, 48 anyos, may asawa at residente ng Purok-1 Brgy. Mantugawe, Basud, Camarines Norte.

uling2

Dinala ang mga nakumpiskang sako ng uling gayundin ang may ari nito sa himpilan ng Basud PNP para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, sa panayam ng Cool Radio News Fm  sa asawa ng nadakip na kinilalang si Ginang Vilma, ipinaliwanag nito na bumibili lamang umano sila ng padala-dalawang sako ng uling hanggang sa naipon na ito at umabot sa nasambit na bilang. Aniya, kanila umano itong nirerepack upang ibenta, bagay na tangi umano nilang pinagkakakitaan subalit sadyang matumal umano ang bentahan nito kaya matagal maubos at nananatiling nakaimbak sa nasabing barung barong ang mga ito. Gayunpaman, batid umano nila ang batas at handa silang harapin ang reklamong isasampa dahilan sa paglabag.

Mahaharap si Reambillo sa kasong paglabag sa PD 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Basud PNP