hang608

Marso 9, 2018, Basud, Camarines Norte – Nakabikti at wala ng buhay nang matagpuan sa kanilang tahanan ang isang residente ng Purok Acacia, Barangay Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.

Kinilala itong si Ramon Rada y Elizario, nasa hustong edad, may asawa a residente ng nasambit na lugar.

Sa imbestigasyong isinagawa ng Basud Municipal Police Station, dakong 12:30 ng tanghali kahapon, Marso 8, 2018 nang magtungo sa kusina ng tahanan ng biktima ang kapatid nito at madiskubreng nakabitin ang katawan ni Ramon sa biga gamit ang isang electrical wire.

Isinugod pa umano sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktima ubalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Nabatid na bago pa man ang insidente ay napansin na umano ng kapatid ng biktima na nakararanas ito ng depresyon sa hindi matukoy na kadahilanan.

Sasailalim sa post mortem examination ang bangkay ng nasambit na biktima.

 

Camarines Norte News