labomap608

Marso 9, 2018, Labo, Camarines Norte – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan ukol sa pamamaril-patay sa isang lalaki sa bayan ng Labo nitong nakatalikod na araw ng Miyerkules, Marso 7, 2018.

Ayon sa Labo Municipal Police Station, may sinusundan na ngayong lead ukol sa pagkakilanlan ng gunman na bumaril sa sa biktimang si Eduardo Cambronero, 64 anyos, isang bangkero at residente ng nasambit na bayan.

Nabatid na dakong 4:00 ng hapon nitong miyerkules habang naglalakad pauwi sa kanilang tahanan ang biktima kasama ang asawa nito nang pagsapit sa bahagi ng Purok 6, Brgy. Dalas ng nasambit na bayan ay bigla na lamang itong binaril ng hindi nakilalang suspek.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa dibdib na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Samantaa, isang menor de edad naman na naglalakad din sa nasambit na lugar ang nadamay sa pamamaril kung saan nagtamo ito ng daplis ng bala sa kanang bahagi ng balikat. Agad namang nadala sa pagamitan ang menor de edad.

Alitan ang itinuturong sanhi ng pamamaril base sa pahayag ng mga testigo. Sa kasalukyan ay patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek gayundin ang uri ng baril na ginamit sa krimen.

Hustisya naman ang sigaw ng mga kaanak ng biktima na naghahangad ng mabilisang pagkakahuli sa gunman upang mabigyang hustisya ang walang habas na pamamaril sa biktima.

 

Camarines Norte News