screening1

Marso 11, 2018, Daet, Camarines Norte – Labintatlong (13) nag gagandahang kabataang CamNorteña ang sumalang sa 1st candidate screening ng Little Miss Camarines Norte 2018 kahapon, Marso 10, 2018 sa Central Plaza Atrium, Daet, Camarines Norte.

Pinangunahan ang nasambit na aktibidad ng Camarines Norte Provincial Tourism Office at Kiwanis Club of Reina Daeteña.

screening2

Humarap sa screening committee na binubuo nina Kwn. Lt. Gov. Elect Maria Carmella S. Manjares, Kwn. Vice Pres. Aileen L. Aspe, Kwn. Teresa R. Visitacion at Kwn. Marivic Z. Rivera ang mga kabataan mula sa ibat ibang panig ng lalawigan kung saan rumampa, nagpakilala at sumagot ang mga ito ng mga simpleng interview questions.

screening3

Layunin ng nasambit na screening na matukoy kung nakasunod ang mga kanididata sa mga alituntunin ng pageant tulad ng wastong edad ng kanidata na limitado lamang sa anim (6) hanggang hindi lalampas sa siyam (9) na taong gulang, inendorso ng kani kanilang paaralan o LGU at walang family relation sa sinumang miyembro ng Kiwanis Club of Reina Daeteña at staff ng PTO.

screening4 screening5

screening6 screening7

Lusot na ang 13 CamNorteña hopefuls sa preliminaries at sasalang  muli sa 2nd screening na gaganapin sa Marso 15, 2018 sa Central Plaza Atrium.

Ang Little Miss Camarines Norte ay isang patimpalak na nagtatampok sa natatanging ganda, talento, husay at talino ng mga kabataang CamNorteña.

logo

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Roden Rosario