line1

Marso 11, 2018, Daet, Camarines Norte – Pinahanga ng labintatlong (13) official candidates ng Environmental Princess: Miss Teen Camarines Norte 2018 ang mga media representatives  sa isinagawang presentation at press conference kaninang 2:00 ng hapon sa Central Plaza Atrium, Daet, Camarines Norte.

Dito ay pinabilib ng mga teen candidates ang media maging ang mga manunuod matapos rumampa at ipakilala ang mga sarili sa unang bahagi ng programa.

form1

form2

Sa ikalawang bahagi naman ay  buong tapang at talino na sinagot ng mga ito ang mga katanungan ng press na nakasentro sa mga isyung pangkalikasan sa lalawigan maging sa buong bansa.

qa5

qa1 crowd

qa2 qa5

Nabatid na bago ang ginanap na presentation ay sumalang muna sa masusing screening process ang mga kabataang may edad 13 hanggang 16 upang mapili kung sinu sino ang maglalaban laban para sa korona at titulong Environmental Princess: Miss Teen Camarines Norte 2018.

Sa naging panayam ng mga media representatives kay JCI Daet Bulawan President Donna Jean Lacson, sinabi nito na bago ang gaganaping pageant night sa Abril 19, taong kasalukuyan ay sasailalim sa ibat ibang aktibidad ang mga kandidata tulad ng Environmental Awareness Seminars, Personality Development Trainings , tree planting at mangrove planting actvivity at iba pa upang mas mahubog pa ang kanilang mga personalidad at mas mamulat sa kahalagahan ng kalikasan.

Aniya, ang kokoronahang Environmental Princess: Miss Teen Camarines Norte 2018 ay magsisilbing Teen Environment Ambassadress at magkakamit ng cash prize na Php 30,000.00, sash at trophy. Ang kokoronahang Miss Teen Bantayog 2018 naman ay magkakamit ng Php 20,000.00, sash at trophy habang Php 10,000.00 , sash at trophy naman ang matatanggap ng magwawaging Miss Teen JCI Bulawan 2018. Magkakaroon din ng cash prize na Php 7,000.00, sash at trophy ang first runner up at Php 5,000.00, sash at trophy naman para sa second runner up.

Pinangunahan ng JCI Daet Bulawan at Provincial Tourism Office ang nasambit na aktibidad.

press

 

Camarines Norte News