drug608

Marso 12, 2018, Labo, Camarines Norte – Kulungan ang bagsak ng isang 21 anyos na minero sa bayan ng Labo matapos positinbong makunan ng hinihinalang ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng otoridad sa tahanan nito sa Purok 2, Brgy. Benit, Labo, Camarines Norte dakong 7:45 kaninang umaga.

Kinilala ang suspek na si Ramil Camoñas y Icatlo, 21, minero, residente ng nasambit na lugar.

Nadakip ang suspek matapos positibong makuha sa loob ng isang drawer sa tahanan nito ang isang (1) doublemint canister na naglalaman ng dalawang (2) sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Nabatid na isinagawa ng Labo MPS, CNPIB, CN-CIDT, RID, at 2nd CNMFC ang operasyon sa bisa ng search warrant na ibinaba ni Hon Judge Evan Dizon ng Daet RTC Branch 40.

Nasa kustodiya nan g Labo MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na rin ang kasong isasampa laban dito para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Camarines Norte News