cnphnew608

Marso 12, 2018, Daet, Camarines Norte – Isa nanamang surgical mission ang isasagawa sa Panlalawigang Pagamutan ngayong darating na linggo.

Nakatakdang sumalang sa ibat ibang surgical procedures ang may kabuuang 51 na indibidwal na una nang sumailalim sa sceening kamakailan. Batay sa datus ng out- patient department ng CNPH, 20 indibidwal ang nakatakdang operahan sa thyroid, 25 sa general surgery at  6 naman sa OB-Gyne.

Ang nasambit na operasyon ay isasagawa sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Egay Tallado at ng Philippine- Australian Medical Association.

Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan na ng pamunuan ng naturang ospital ang nasambit na surgical mission na magsisimula sa Marso 19 hanggang Marso 21 ng taong kasalukuyan.

 

Camarines Norte News