Abril 3, 2018, Daet, Camarines Norte – Mas pinaigting ng Governor’s Task Force ang pagbabantay sa mga delivery trucks na pumapasok at umiikot sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kaugnay nito, tinutukan ngayon ng team ang pag iinspeksiyon sa mga nasambit na truck kung saan kanina lamang ay limang (5) truck na ang nasita sa bayan ng Daet dahil sa kawalan ng sticker o permit mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Sa panayam ng Cool Radio News Fm kay Team Leader Nestor Frias, sinabi nito isinasagawa ang inspeksiyon sa mga truck na nagbababa ng mga aggregates, kalakal o produkto sa lalawigan maging ito man ay mula sa alinmang bayan sa loob ng CamNorte o sa labas ng probinsiya.

Ipinaalala ni Frias na obligado umano ang mga may ari ng mga truck na kumuha ng annual permit sa Kapitolyo.

Gayunpaman, ipinaliwanag din nito na hindi umano sila naniningil ng multa ang mga nahuhuling walang permit bagkus dinadala ang mga ito sa kanilang opisina upang doon magproseso at kumuha ng kaukulang permit.

 

Camarines Norte News