Abril 9, Daet, Camarines Norte – Tutukan ng bagong talagang Schools Dvivsion Superintendent ng Department of Education (DEPED) Camarines Norte ang kahalagahan ng inobasyon sa edukasyon ngayong nahaharap na ang mga kabataang mag aaral sa makabagong panahon o computer age.

Sa panayam ng Cool Radio News Fm kay bagong Superintendent Nene Rosal Merioles,  sinabi nito na isa sa mga tutukan niya sa kaniyang pamumuno sa lalawigan ng Camarines Norte ang inobasyon sa pamamaraan ng pag aaral ng mga kabataan kung saan nararapat na maging globally competitive na ang mga ito bunsod ng pag unlad na dulot ng makabagong teknolohiya.

Aniya, panahon na upang mas bigyang pansin ang computer age upang makasabay ang mga kabataan sa pag unlad ng lipunan.

Isa umano sa nakikita niyang pamamaraan ay ang Information Technology Outsourcing (ITO). Dito aniya ay bibigyang pansin hindi lamang ang mga paaralan na nasa kabayanan at may access sa internet kundi maging ang mga paaralan sa mga remote areas.

Sa tulong ng mga non-government organizations at Provincial Governement ay maglalaan umano ng mga offline instructional materials para sa mga mag-aaral sa malalayong barangay sa lalawigan kung saan walang internet signal upang makasabay ang mga mag aaral dito.

Nararapat aniya na makasabay ang edukasyon sa pag unlad ng teknolohiya gayundin ang mga mag aaral na ngayon ay tinatawag ng millenials.

Nabatid na  mula pa sa probinsiya ng Masbate ang bagong superintendent kung saan pitong taon itong nagsilbi sa parehong posisyon at ngayon ay nakatutok sa scoping, environment scanning at pakikipagpulong sa mga personel ng DEPED sa lalawigan.

 

Camarines Norte News

Photo courtesy of Aris Alexopoulos