Abril 12, 2018, Daet, Camarines Norte – Simula ngayong darating na Abril 14, araw ng Sabado ay maaari nang maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang mga nagnanais tumakbo para sa May 14, 2018 Barangay and SK elections.

Ayon sa panayam ng Cool Radio News Fm kay Atty. Francis Nieves, Acting Provincial Election Supervisor ng Commission on Elections (COMELEC) Camarines Norte, nakatakda ang filing ng COC hanggang April 20, araw ng Biyernes. Kasabay na rin umano nito ang paglalabas ng implementing rules and guidelines gayundin ang pormal na pagsisimula ng campaign period.

Aniya, bukas ang kanilang opisina sa mga nasambit na araw mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon upang maaccomodate ang mga maghahain ng COC.

Nakahanda na rin umano ang mga forms ng COC kung saan anim (6) na kopya ang dapat ihanda ng bawat aplikante.

Sakaling aprubahan ng COMELEC ang proposal ng Department of the Interior and Local Government ay kinakailangan din umanong magsumite ng mga kandidado ng kanilang resume.

Isasapubliko ang mga resume upang bigyang pagkakataon ang mga botante na makilala ang kanilang mga ibobotong kandidato.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News