Mayo 2, 2018, Daet, Camarines Norte – Matapos ang halos isang buwang pagkaantala ay tuloy na tuloy na bukas, Mayo 3, 2018 ang Basketball Tournament/Governor’s Cup na inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan.

Pagkatapos ng parade at opening program, agad nang sasabak sa 1st game ng tournament ang koponan ng LGU Daet na makakatunggali ang team mula sa bayan ng Paracale.

Sa panayam ng Cool Radio Radio News Fm kay Konsehal Sherwin Asis ng bayan ng Daet at tumatayong Chairman ng Committee on Youth and Sports Development, sinabi nito na aminado umano ng koponan na dadaan sila sa butas ng karayom dahilan sa malalakas ang line up ng mga makakalabang koponan.

Bagaman sinasabing undersized, underdog at underestimated ang kanilang koponan, sinisiguro aniya na bibigyan nila ang kabilang koponan at mga manunuod ng magandang laban hanggang sa huling segundo ng laro.

Dagdag pa ng konsehal, kumpiyansa pa rin ito na hindi magpapatalo ang Team LGU Daet na sumalang sa masinsinang training bago naturang laban idagdag pa kakayanan ng mga dalawang (2) imports na beterano na sa paglalaro ng basketball.

Motivated din umano ang mga manlalaro ng koponan dahil na rin sa ipinapakitang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor at Team Manager Benito “B2K’ Ochoa.

Magsisimula ang 1st game dakong 5:00 ng hapon bukas sa Agro Sports Center sa bayan ng Daet.

______________________________________________________________________________________

Ang mga sumusunod ang bumubuo sa koponan ng LGU Daet:

MORALES, ROBERT, Team Captain – Barangay 5

ABDON, ALWIN – Barangay 5

SENTIN, JUSTINE – Barangay 8

ARSENIO, JONEL – Barangay 8

JORDAS, ARVIN – Barangay 4

CASTILAR, EDREI – Barangay 4

PERIDA, ANDREW – Barangay 6

VECIDA, ALDRIN – Barangay Magang

FLORES, MARK – Barangay Gahonon

MASE, FRANC – Barangay 3

FERNANDEZ, RODELIO – Barangay 3

JUNTADO, JEFFREY – Labo

ANG, DENNIS – Talisay

DE ARAO, EMERSON – Vinzons

Imports:

EBONDO, RODRIGUE – CONGO, CEU, PBA D-LEAGUE

ARANA, JUSTIN – BASUD, ARELLANO UNIVERSITY

Reserved:

DIARRASSOUBA SALIOU – IVORY COAST

CoachIng Staff:

ONG, BOBOY, Head Coach – Barangay Camambugan

DOMINGUEZ, AAHRON, Asst. Coach – Barangay Magang

DAVID, ANTON, Asst. Coach – Barangay 4

Team Manager:

MAYOR BENITO S. OCHOA

Assistant Team Manager:

MUNICIPAL ADMINISTRATOR JOAN TABERNILLA-DE LUNA

Team Representatives:

Councilors Renato Moreno and Sherwin Asis

Team Coordinators:

GSO Arnel Moreno, MIO Edwin Domingo

Team Liaison:

Emmanuel Asis, Jr.

Team Statisticians:

Odick Abanto and Benjie Villar

 

 

Camarines Norte News