Abril 30, 2018, Daet, Camarines Norte –Naging matagumpay ang isinagawang 3-day Camarines Norte’s Finest Calaguas Summer Bazaar sa Calaguas Island ng Department of Trade and Industry (DTI) Camarines Norte Provincial Office.

Nilahukan ang naturang Bazaar ng ibat ibang negosyante mula sa lalawigan kabilang na ang pitong (7) micro enterprises mula sa bayan ng Daet na inasistehan ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Benito Ochoa at sa pamamagitan ng Negosyo Center – Daet.

Mismong si Negosyo Center Daet Manager Ma. Eliza H. Llovit ang sumama sa mga maliliit na negosyante mula sa naturang bayan upang ipaabot ang tulong at suporta ng LGU Daet sa mga ito.

Ang nasambit na micro enterprises ay ang mga sumusunod:

ENY Printing Shop

Julius Pilinut

Purples Food Enterprise

 Ate Fina’s Food Products

Abby’s Pasalubong

Luchies Cakes, Pastries and Catering Services

Tiffy’s Cakes and Pastries

Sa pamamagitan ng BUB/GPBP fund, nabigyan ng pagkakataon ang nasambit na mga negosyante na mai-exhibit, makilala at maibenta ang kani-kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado katulad na lamang ng Calaguas Island na kilalang dinarayo hindi lamang ng mga lokal na turista kundi maging international.

Nagsimula ang nasambit na bazaar nitong nakatalikod na araw ng huwebes, Abril 27, 2018 at magtatapos ngayong araw, Abril 30, 2018.

 

Camarines Norte News