Mayo 9, 2019, Vinzons, Camarines Norte – Patay ang isang construction worker matapos bugbugin ng kapwa nito construction worker sa barracks ng mga ito  sa Purok 2, Barangay Mangcawayan, Vinzons, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Norberto Bolima Y Rieza, 55 anyos residente ng Purok 7A, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon ng Vinzons Municipal Police Station, dakong 10:45 ng gabi kamakalawa, Mayo 7, 2018, habang natutulog sa barracks ang suspek na si Jay Lamadrid Y Cereno, 22 anyos, binata at residente ng Parian Street, Poblacion Sur, Paracale, Camarines Norte, dumating ang biktima kasama ang bayaw nito na si Mario Salon y Padrigon,.

Bunsod ng ingay, nagising umano ang suspek at sinabing nakakaistorbo umano ang dalawa bagay na inihingi naman umano ng pasensiya ng biktima.

Makalipas ang ilang sandali, nakatulog na umano ang bayaw ng ng biktima subalit nagising ito at nakitang pinagsususuntok na ng suspek sa mukha ang biktima habang nakahiga at nakapatong ang ulo nito sa ibabaw ng isang bag na puno ng mga matitigas na construction materials.

Matapos maawat ang pambubugbog ng suspek ay agad na isinugod sa Labo District Hospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Sa tulong naman ng iba pang construction workers at rumispondeng tanod ng nasambit na barangay ay naaresto ang suspek na nasa kutsodiya na ngayon ng Vinzons PNP para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na rin ang kasong isasampa laban dito.

 

Camarines Norte News