Mayo 12, 2018, Daet, Camarines Norte – Naglabas na ng datos ang Regional Joint Security Council na binuo ng Phil. National Police o PNP, Commission on Elections o COMELEC at ibat ibang law enforcement agencies ukol sa election watchlist areas  (EWAS) sa buong kabikulan kung saan pumanglima sa listahan ang lalawigan ng Camarines Norte.

56 na barangay mula sa lalawigan ng Camarines Norte ang naitala bilang mga EWAS mula sa kabuuang 282 barangays na nakakuha ng 19.86%.

Samantala, nanguna naman sa nasambit na tala ang lalawigan ng Masbate na may naitalang 368 sa 550 barangays o 66.91%.

Pumangalawa ang albay na 297 sa kabuuang 720 o 41.25%, pumangatlo ang Sorsogon na 166 sa kabuuang 541 o 30.68%.

Pumang apat naman ang lalawigan ng Camarines Sur na 256 barangay sa kabuuan nitong 1,039 ang itinuturing na EWAS o 24.64.

Napagtala naman ang Naga city ng mababang porsiyento na 3 barangay sa kabuuang 24 o 12.5% habang hindi  nakabilang sa mga ito ang lalawigan ng Catanduanes.

Nakatuon din ang pansin ng  PNP Regional Office sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan naitala kumakailan ang alitan sa pagitan nina dating Governor Luis Raymond Villafuerte at 1st Dist. Congressman Rolando Andaya Jr.

 

Orlando Encinares

Camarines Norte News