Mayo 12, 2018 – Handa na ang mga balota na gagamitin para sa 2018 Barangay and SK elections sa Lunes para sa bayan ng Daet.

Ang mga pangalan na makikita sa larawan ay ang mga kawani ng LGU Daet MTO na magsisilbing mga contact persons/incharge sa mga presinto na nakasaad.

Hanggang kaninang madaling araw ay inihanda ng mga kawani ng MTO Daet ang mga balota para sa eleksyon sa Lunes.

Ngayong araw, nakatakdang suriin ng mga guro ang mga balota sa kanilang pagsisilbihang Barangay/Precinct upang matiyak na kumpleto ito. Upang maiwasan ang problema sa araw ng eleksyon.

Kukunin ang mga balota ng mga magsisilbing mga guro mula sa municipal treasurer’s office (MTO) sa araw ng lunes (araw ng eleksyon) upang dalhin sa mga polling places.

Ang Municipal Treasurer ay nagsisilbing Vice Chairman ng Municipal Board of Canvassers, habang ang Municipal Election Officer ang tumatayong chairman nito

 

Camarines Norte News