Mayo 13, 2018, Sta. Elena, Camarines Norte – Patay ang isang 24 anyos na binata matapos itong pukpukin ng bato ng isa pang binatang nakaalitan nito sa bayan ng Sta. Elena.

Kinilala ang biktima na si Policarpio Malaga y Bobos, 24 anyos, residente ng  Purok 2, Barangay Rizal, Santa Elena, Camarines Norte.

Sa imbestigasyon ng Sta. Elena Municipal Police Station, dakong 12:30 ng madaling araw kamakalawa, Mayo 11,2018 nang huli umanong nakita ng mga saksi na naglalakad sa bahagi ng Purok 2, Barangay Rizal ng naturang bayan ang biktima kasama ang suspek na kinilalang si Peejay Amparo y Rico, 24 anyos, binata, residente ng Purok 3 ng parehong barangay.

Pareho umanong nasa impluwensiya ng alak ang dalawa na kalaunan ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo habang nasa daan.

Makalipas ang ilag sandali ay pinukpok umano ng suspek ang biktima sa ulo nito gamit ang bato.

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang suspek patungo sa di pa matukoy na direksiyon habang agad namang inireport ng concerned citizen ang pangyayari sa kapitan ng barangay.

Isinugod sa Rosary of Virgin Mary Hospital sa naturang bayan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Nagsasagawa na ang Sta. Elena PNP ng hot pursuit oeration upang matukoy ang kinaroroonan ng tumakas na suspek habang inihahanda na rin ang kaukulang kasong isasampa laban dito.

 

 

Camarines Norte News