MGA BOTANTE SA DAET, NAGSIMULA NANG DUMAGSA SA COMELEC SA UNANG ARAW NG VALIDATION AND REGISTRATION.

Pursigido ang COMELEC Daet sa panawagan sa may umaabot sa 18,862 na botante sa bayan ng Daet na hindi pa nakakapagvalidate ng kanilang registration sa nasabing tanggapan.

6081111

Kahapon pa lamang, May 5, 2014 sa isinagawang programa sa flag raising ceremony ng mga kawani ng pamahalaang local ng Daet, muling nanawagan si COMELEC election officer Atty. Francis Nieves para sa pagsisimula ngayon araw ng biometrics validation at registration.

Nakiusap si Nieves sa mga botante na hindi na sumasailalim sa biometrics na huwag nang hintayin pang dumating ang mga huling araw ng registration bago tumungo sa COMELEC.

Binigyan diin pa ng naturang COMELEC official na hindi talaga makakaboto ang sinumang dati nang botante na hindi sasailalim sa biometric process dahil ito na ang pagsisimula ng nasabing komisyon na electronic voting.

Sa ngayon umaabot sa 40% ng mga botante sa bayan pa lang ng Daet ang kinakailangang dumaan pa sa nasabing proseso.

Hindi lamang ditto mag tatapos ang panawagan ng comelec hinggil sa nasabing impormasyon kundi magpapatuloy sila hanggang sa 25 Barangay ng Daet na nakatakdang gawin sa mga susunod na araw.

 

Nag uulat,

Rodel Llovit

 

Photo by: Jeffrey De Leon    

 

More NEWS?

Visit our HOME                                    For Daily News Update                     Follow us on Twitter

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150