Mayo 13, 2018, Daet, Camarines Norte – Natanggap na ng mga Chairperson at mga miyembro ng electoral board  ang honoraria para sa pagsisilbi sa gaganaping Brgy at SK Elections bukas.

Kahapon, Mayo 12, 2018 nang tanggapin ng mga magsisilbi sa eleksiyon ang halagang limandaang piso (Php 500) para sa kanilang travel allowances.

Samantala, ang mga teachers na may annual salary na Php 250,000 ay babawasan ng 5% tax sa kabuuang honoraria.

Gayunpaman, bibigyan ang mga ito ng cash card pagkatapos magsilbi upang mai-refund ang binawas na halaga ng buwis labinlimang araw pakatapos ng eleksyon base sa napag kasunduan nina DepEd Sec. Briones at COMELEC  Rep. Atty. Frances Aguindadao Arabe.

Orlando Encinares