Mayo 15, 2018, Daet, Camarines Norte – Nagkalat ang mga basura sa paligid at labas ng ilang paaralan na ginamit bilang voting areas sa ginanap na Barangay and SK elections kahapon.

Gayunpaman, maagap namang itong nilinis ng ilang concerned citizen at garbage collectors subalit kapansin pansin pa rin ang mga election posters at campaign materials  ng ilang kandidato na nakasabit sa mga kabahayan na dapat ay pinangunahan ng alisin ng mga ito.

Samantala, maagang natapos ang pagbibilang ng mga balota subalit bahagyang natagalan ang pagturn over ng mga resulta dahilan sa mga talaan na kailangang kumpletuhin bago isumite ng mga B.E.I. gayundin ang proseso ng pag turn over ng balota ng mga bumotong persons with disabilities, senior citizens at pagbubukod sa babae at lalaking botante na inabot na ng halos madaling araw bago dalhin  sa Municipal Comelec Office.

 

May ilang reklamo rin tungkol sa diumano ay mga hinakot na mga kabataang botante na nasa panig ng kalaban upang dalhin sa isang lugar at di makaboto idagdag pa ang mga botanteng nangawala sa listahan kahit nakapag biometrics dahilan sa clustering at mayroon din diumanong kahit namayapa na ay nasa voters list pa rin.

Wala namang naitalang election related violence sa buong lalawigan.

May ilang kandidato na rin ang nagbunyi na kahit pa nga partial and unofficial pa lamang ang resulta ng bilangan.

 

 

Orlando Encinares

Camarines Norte News