Mayo 31, 2018, Daet, Camarines Norte – Matagumpay na natapos at ngayon ay nai-turn over na sa Brgy. San Isidro, Daet, Camarines  Norte ang konkretong 800 linear meter barangay road.

Ang naturang pagkonkreto ng kalsada ay isa sa mga subproject sa ilalim ng KALAHI-CIDSS NCDDP Tier 2 para sa LGU Daet.

Pinangunahan ni Municipal Administrator Joan Kristine Tabernilla- De Luna sa ngalan ni Mayor Benito “B2K” Ochoa ang turn over ceremony kasama si Municipal Area Coordinator ng Daet (KC-NCDDP Tier 2) Ma. Eliza H. Llovit at municipal coordinating team.

Dinaluhan din ito ng mga staff mula mismo sa DSWD KC-NCDDP na sina Engr. Cliff Alindogan, –Project Devt Officer IV mula sa National Program Mgt Office, Mr. Jhun LalongisipSubRegion Project Coordinator, Engr. Edward HerreroCommunity Procurement Officer, Engr. Jane de Villa Technical Facilitator  at Ms.Rowena ObusanFinancial Analyst.

Sa pamamagitan ng mensahe ay ipinaabot ni Municipal Administrator at Municipal Area Coordinator ang pasasalamat sa mga community volunteers sa naturang barangay para sa kanilang aktibong partisipasyon para sa implementasyon ng proyekto lalung lalo na umano sa pangunguna at pakikipagtulungan ni Punong Barangay Ismael Talento at ng Sangguniang Barangay.

Nabatid na ang nagkakahalagang Php 3.2 Million ang natapos na konkretong kalsada na magbibigay daan sa mas mabilis at maayos na transportasyon sa naturang barangay.

 

Camarines Norte News