Mayo 26, 2018, Daet, Camarines Norte – Mga bagong kaalaman at oportunidad ang bitbit pag uwi ng walong Daet Food Processors na nagtungo sa Metro Manila at Laguna para sa isinagawang Benchmarking and Selling Mission.

Ang naturang misyon ay isa sa mga programa ng Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pamamagitan ng Negosyo Center nito at sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry – Camarines Norte Provincial Office.

Sa loob ng apat na araw (Mayo 22 – 25, 2018), nagtungo sa ibat ibang lugar sa kamaynilaan ang mga food processors mula sa bayan ng Daet kabilang na ang  8hibits Homemade Treats and Sweets, Jeian’s Pasalubong, Luchie’s Cakes Pastries and Catering Services, Lala’s Pasalubong, Abby’s Pasalubong, Daet Food Processors Association, Tiffy’s Cakes and Pastries at Ate Fina’s Food Products.

Ilan sa mga aktibidad na isinagawa ay ang pagbisita sa tatlong (3) kilalang food processing companies (Krispy Kreme sa Taguig City, Gardenia Bakeries Inc. sa Biñan, Laguna at Castillejo Agri-Farms Inc. sa Mandaluyong city).

Nagtungo rin ang grupo sa mga packaging companies tulad ng Entre Pouch, McBride Corp., Synergy Sales Intl. Corp., Integrated Packaging Corp. at Power Serve Group Holdings Inc. kung saan nakakuha ng mga bagong konsepto ang mga beneficiaries upang mas ma-improve pa ang kanilang kaalaman sa packaging at labeling ng kanilang mga produkto.

Bukod pa dito, nagsagawa din ng benchmarking sa International Food Expo 2018.

Sa pakikipag ugnayan naman sa LEIPO at Negosyo Centers sa tatlong primyadong siyudad sa kamaynilaan – Muntinlupa, Valenzuela at Makati ay matagumpay na naisagawa ng grupo ang Selling Mission sa pamamagitan ng isang mini food fair na labis na tinangkilik ng mga mamimili at nagdulot ng magandang kita sa mga benepisyaryo.

Pinangunahan ni LGU Daet Negosyo Center Manager Ma. Eliza H. Llovit at DTI-CNPO Senior Trade and Industry Specialist Mr. Alvin Sayno ang nasambit na misyon.

Bukod sa mga bagong kaalaman na natutunan, nabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na food processors ng Daet na maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado.

 

Camarines Norte News