Hunyo 2, 2018, Labo, Camarines Norte – Bilang pakikiumisa sa pagdiriwang ng National Environment Month ngayong buwan ng Hunyo, isinagawa kahapon ang  Roadside Clean-Up Drive ng tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Pamahalaang Panlalawigan.

Isinagawa ito sa bayan ng Labo kung saan mismong si Gobernador Jonah Pimentel ang nanguna sa paglilinis sa tabi ng National Highway mula sa Brgy. Calamunding hanggang sa bahagi ng Brgy. Talobatib.

Kasama din ng gobernador na nakibahagi sa makabuluhang gawain ang mga kawani mula sa ibat ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayo kay PENRO Officer,Engr. Pol Badiola, ang naturang gawain ay nakasusog rin sa ipinatutupad na Republic Act 9003 o mas kilala bilang Solid Waste Management Act na naglalayong maturuan ang mga mamamayan ukol sa tamang pamamahala sa mga basura partikulay na ang tamang pahihiwa-hiwalay nito nang sa gayon ay mabawasan ang problemang dulot nito sa kalikasan.

Ikinatuwa naman ni Mayor Joseph Ascutia ng bayan ng Labo na sa kanilang bayan unang isinagawa ang nasambit na proyekto ng PENRO.

Ang National Environment Month ay isang selebrasyon na ipinagdiriwang sa buong bansa tuwing buwan ng hunyo na kinapapalooban ng mga programa at aktibidad na naglalayong mapaigting ang kamalayan ng mga mamamayan sa estado ng kalikasan at kung paano ito mapuproteksiyunan.

 

Camarines Norte News

Details courtesy of Lino Malabanan, 96.9 DWCN Fm

Photo courtesy of Ric Palacio Jr.