Hunyo 13, 2018, Daet, Camarines Norte – Hinahanap ngayon ng may ari sa tulong ng kapulisan ang pag aari nitong itim na FJ110CMD Suzuki motorcycle matapos mawala habang nakaparada sa tapat mismo ng tahanan nito sa Purok 6, Barangay III, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Renedick De Vera y Ilan, 32 anyos, may asawa at residente ng nasambit na lugar.

Sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, dakong 9:00 ng gabi kamakalawa, Hunyo 11, 2018 nang huling iparada ng biktima ang nasambit na motorsiklo na may plate no. 4826 ET sa harap mismo ng kanilang tahanan subalit ng kukunin na umano ito ay wala na ang motorsiklo sa lugar.

Pinaniniwalaang tinangay ng hindi nakilalang suspek ang motorsiklo.

Nagsasagawa na ang Daet PNP ng follow up investigation at operation ukol sa pagrekober sa ninakaw na motorsiklo gayundin sa pagkakakilanlan at pagkadarakip ng suspek.

 

Camarines Norte News