1 NPA, PATAY SA PAKIKIPAG SAGUPAAN SA PHIL ARMY SA BAYAN NG CAPALONGA CAM NORTE!

June 20, 2018, Capalonga, Camarines Norte – Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (CPP-NPA) matapos ang sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan.

Sa ulat na ipinalabas ng kampo ng Philippine Army, alas dos y media ng hapon, kahapon, Hunyo 19, 2018 sa bahagi ng Villa Belen ng naturang bayan ng maka engkwentro ng tropa ng 9IB at 22IB ang umaabot sa humigit kumulang dalawampung (20) mga anila’y miyembro ng teroristang NPA.

Matapos ang engkwentro, isa sa kampo ng NPA ang napatay sa sagupaan. Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang (2) M16 rifle, iba’t ibang uri ng bala, medical instruments, limang (5) blasting cups, tatlong (3) cellphones, mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan.

Wala namang naiulat na nasawi sa kampo ng pamahalaan.

Samantala, wala pa namang pahayag ang kampo ng NPA habang sinusulat ang balitang ito.

Camarines Norte News

Photo from TeamSpear facebook page