Hunyo 21, 2018, Labo, Camarines Norte Dead on arrival sa pagamutan ang isang security guard matapos itong pagbabarilin ng kapwa nito security guard sa Brgy. Benit, Labo, Camarines Norte dakong 7:30 kagabi, Hunyo 20, 2018.

Kinilala ang biktimang si Saphiro Barcenas, 54 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Palanas, Paracale, Camarines Norte, Officer in Charge ng New Veterans Security Agency at nakaassign sa Gold City Mineral Mining Corporation.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Labo Municipal Police Station, hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktima matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan bunsod ng pamamaril dito ng suspek na kinilalang si Darwin Octa, security guard ng parehong security agency at residente ng brgy. Matanggo, Vinzons, Camarines Norte.

Nabatid na natutulog sa kanilang barracks sa nasambit na lugar ang suspek at biktima ng makarinig umano ang mga saksi ng putok ng baril mula dito. Nadatnan sa lugar na may tama ng bala ang biktima habang agad namang nakatakas ang suspek.

Samantala, inaalam pa ng kapulisan ang motibo sa pamamaril habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at pagtugis sa tumakas na suspek.

 

Camarines Norte News