Hunyo 23, 2018, Labo, Camarines Norte – Limang (5) Solar Power, Limang (5) Water Purifier at limang (5) Kerosene Cooker ang ipinagkaloob ng grupo Wharang Wick Youth Foundation sa pamilya ng limang mag aaral mula sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Layunin nitong matulungan sa nasabing bayan ang mga mahihirap subalit nagpupursigeng mag aaral mula sa Labo Science High School at Anecita De Lara Pimetel High School, pawang mula sa nasabing bayan.

 

Kasama si Mayor Joseph Ascutia ng bayan ng Labo, personal na inihatid ng mga miyembro ng Wharang Wick Youth Foundation ang nasabing mga kagamitan sa bahay ng limang piling mag aaral na labis naman na ipinag pasalamat ng mga magulang ng mga mag aaral.

Bago isinagawa ang pagkakaloob ng nasabing tulong, sumailalim muna sa ocular inspection sa mga tahanan ng mga recipients upang matiyak na mapupunta sa mas nangangailangan ang naturang tulong.

 

Ayun kay kay Bb. Rossana Claudia Luzarraga, isang guro sa Bansang South Korea na mula sa bayan ng labo at tumatayong Coordinator ng Wharang Wick Youth Foundation sa bansa, isang buwan nilang oobserbahan kung magiging kapaki-pakinabang at maaalagaan ng maayos ang kanilang mga ipinagkaloob ng mga kagamitan, bago muling mag kakakaloob ng sa karagdagang pang mga pamilya ng mga estudyante.

Minsan nang tumungo ang naturang foundation kamakailan sa nabanggit na dalawang paaralan at nagkaloob ng isang daan at apat na pung (140) laptops bilang tulong sa mga guro at mag aaral.

Kaugnay nito, labis ang naging pasasalamat ni Mayor Joseph Ascutia sanaturang mga dayuhan na bagamat hindi mga pilipino ay labis ang ipinapakitang malasakit sa mga pinoy.

 

Nardz Hernandez/Aris Alexopoulos

Rodel Macaro Llovit

Camarines Norte News