July 1, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Isinagawa ang Launching and Blessing ng Gold-Copper Processing Plant sa bayan ng Jose, Panganiban nitong  nakatalikod na June 29, 2018.

Ang nasabing proyekto, sa pakikipagtulungan ng Department of Sciene and Technology, University of the Philippines-Diliman, at LGU-Jose Panganiban, ay naglalayong alisin ang paggamit ng toxic chemicals, tulad ng mercury at cyanide, na nagdudulot ng polusyon sa lupa at nakakaaapekto rin sa kalusugan ng mga minero.

Gamit ang teknolohiyang dinivelop ng UP-Diliman, magdudulot ito ng pagtaas ng gold recovery na inaasahang papalo sa 85 to 90%, isa lamang sa mga benepisyong makukuha ng mga minero.

Maliban sa bayan ng Jose Panganiban pinagkalooban din ng kahalintulad na teknolohiya na  environment-friendly integrated gold-copper processing plant ang mga lugar ng Itogon sa Benguet, Del Pilar sa Agusan Del Norte, at Nabunturan sa Compostela Valley na pawang may mga mining area.

Camarines Norte News

(Photo courtesy of Councilor Tres Panganiban)