July 5, 2018, Daet, Camarines Norte –  Isang kahanga-hangang imbensyon ang nagdala sa isang guro ng Camarines Norte State College (CNSC) upang kilalanin at bigyan ng parangal ng Department of Science and Technology (DOST).

Si Engr. Leo Agustin P. Vela, 24 taong gulang, tatlong taon pa lang bilang propesor sa Engineering Department ng CNSC, ay tumanggap nito lamang nakatalikod na June 29, 2018 ng Outstanding R & D Awards 2018 na ginanap sa Novotel Araneta Center Quezon City, kasabay ng pagdiriwang ng ika 8 anibersaryo ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) sa ilalim ng DOST.

Kamakailan nitong mga nakatalikod na taon ng buksan ng DOST-PCIEERD ang isang kompetisyon sa pagpapakita ng galing sa researches o pag aaral para sa apat na kategorya. Ito ang mga kategoryang Industry, emerging technology, special concern at ang energy utility and system category kung saan nakapasok bilang top 3 finalist ang entry ng batang propesor mula sa Camarines Norte noong Mayo 2018.

June 13, 2018, isinagawa ang final judging at nito lamang June 29 2018 nang maimbitahan sya ng PCIEERD para sa anibersaryo ng nasabing konseho ng DOST para tanggapin ang pagkilala bilang pinakamagaling na researcher sa kanilang kategorya.

Ang dalawa na kanyang naging katunggali sa finals ay mula sa Electronic Industry Association of the Philippines at ang isa naman ay mula sa De La Salle University.

Kwento ni Engr Leo Vela, nagsimula ang kanyang ideya sa kanyang winning research entry na may titulong “Current Load Monitoring and Overload Alarm Mechanism for Convenience Outletilang taon na ang nakaraan ng dumaan ang isang malakas na bagyo sa lalawigan ng Camarines Norte, na naging dahilan para mawalan ng kuryente ang malaking bahagi ng lalawigan.

Ang mga mamamayan ay pumipila sa Kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan para sa libreng charging ng kanilang mga Cellphones. Kabilang si Leo sa napakaraming taong nakikipag sisikan sa pila para lamang makapag charge ng telepono.

Sa kanyang pagmamasid sa mga outlet, nakita nya ang maitim na kulay sa ilang saksakan na nangangahulugan na ito ay nasusunog na. Dahil sa dami ng extension wires na naka octopus’ connection.

Dito pumasok sa kanya ang ideya na lagyan ng limitasyon ang bawat outlet ng anumang electrical appliances o gadgets upang hindi ito mag overload at maging dahilan ng pagkasunog ng gusali o kabuhayan.

Sa kanyang imbensyon, kusang mag aalarm ang isang outlet kung pilit itong sasaksakan ng de-kuryenteng kagamitan na labis na sa kakayahan nito. Umani ito ng paghanga sa mga hurado ng kumpetisyon.

At dahil limitado lamang sa taong 2015 to 2017 ang coverage ng competition, bagamat sya ang nanalo, hindi pa rito naisama ni Engr Leo Vela ang kanyang naging improvement kamakailan lamang sa kanyang imbensyon na kanyang isinagawa para sa kanyang masteral degree. Dito, hindi lamang basta mag aalarm ang outlet, kundi kusa itong titigil o mag o-off upang kahit walang tao sa isang tahanan ay ligtas ito sa overloading at pagkasunog.

Sa susunod na linggo, ipapadala ng pamunuan ng Camarines Norte State College sa lunsod ng Legaspi si Professor Vela upang asikasuhin ang pagpapa-patent nya sa kanyang imbensyon.

May nakipag ugnayan na rin kay Vela mula sa DOST PCIEERD na nag alok ng tulong upang mapakinabangan ang kanyang imbensyon at makapagsagawa ng maramihang produksyon at madala sa merkado.

Nabatid din na ang pagkakapanalo ni Engr. Vela ay isang malaking puntos para sa Camarines Norte State College para sa aplikasyon nito sa conversion bilang Unibersidad.

Kaninang umaga, sa kanyang pagkortesiya kay Governor Jonah Pimentel, tumanggap ito ng paghanga mula sa mga opisyal ng lalawigan ng Camarines Norte at labis itong ipinagmamalaki.

Sinabi ni Governor Pimentel na isa ring inhenyero, na isang huwarang kabataan ang katulad ni Vela at hangad nito ang tagumpay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang mga mag aaral at paaralan.

Si Engr. Leo Agustin Vela ay isa sa limang (5) mga Engineering Students mula sa Camarines Norte State College na nakapasa sa Engineering Board Exam noong 2015.

Si Vela ay tubong sa Barangay San Roque Mercedes Camarines Norte at panganay sa dalawang anak nina Jenilyn at Roberto Vela.

 

Rodel Macaro Llovit

Camarines Norte News