July 16, 2018, Daet Camarines Norte – Sa naging pahayag ni DepEd Regional Director Ramon Fiel G. Abcede, halos isang porsyento (1%) ng total budget ng ahensya ang inilaan para sa health services. Nauunawaan daw ng Punong Lalawigan ang budget na inilaan para sa personnel services, investment para sa school buildings at iba pang impraistraktur, pero kung hindi maihahanda ang mga kabataan na madagdagan ang kaalaman, ang investment sa mga guro at impraistraktura ay masasayang lamang.

Ito ang dahilan kung bakit sumasaludo ang Punong Lalawigan sa bagong hakbang ng DepEd para pagtulungang maalagaan ang ating mga kabataan, pati ang mga guro na tututok sa kanilang kalusugan sa kabuuan. Aniya, ang OK sa DepED ay isang resounding response sa dilemma na maaaring kaharapin at malaking hamon na gagawin para sa ating mga learners.

Sa panig ng Provincial Government, patuloy nitong isusulong ang suporta sa nasabing sektor. Isa rito ay ang Provincial Multi-Services Caravan (PMSC) na dumadalaw hindi lang sa 282 Barangays ng Camarines Norte.

Nagiging bahagi rin ito tuwing may Brigada Eskwela, na sa pamamagitan ng Brigada Eskwela Multi-Services Caravan ay nahahatiran ng serbisyong medikal, dental, libreng gupit, reading glasses para sa mga magulang at guro at iba pang serbisyo ang mga nadadalaw na paaralan.

Ang PMSC ay sinimulan ni Governor Egay Tallado Marso 2011 at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Sa harap ng mga personnel ng Department of Education, personal na binalikan ni Governor Jonah G. Pimentel ang walang hanggang pasasalamat sa kanyang mga naging guro dahil sa sakripisyong kanilang ginawa sa panahong sya ay nag-aaral, na katulad ng iba, nagdala sa kanya sa posisyon kung nasaan sya ngayon, ang maging isang lingkod-bayan.

 

Ivy Consuelo-Garcia (DWCN FM)

For Camarines Norte News