Agosto 6, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Pitong (7) kalalakihan ang nadakip habang isa (1) naman ang nakatakas sa isinagawang anti-illegal mining operations ng otoridad dakong 6:30 ng umaga kanina sa Brgy. San Rafael, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang mga naarestong sina Boyet Pan y Rodriquez, 42anyos, may asawa at residente ng Brgy. Pag-asa, Christopher Tesorero y Zapalta, 20 anyos, binata, residente ng Brgy. San Rafael, Roger Navarosa y Abiera,31 anyos, maya sawa, residente ng Brgy Sta Rosa Norte, Amado Racasa y Bibon, 27 anyos, binata, residente ng Brgy. San Rafael, Cesar Del Castillo y Salen, 38 anyos, may asawa, residente ng Brgy Parang, Antonio Tesorero y Timbal, 32 anyos, binata, residene ng Brgy San Rafaelng nasambit na bayan at Luis Buenavista y Paquita, 39 anyos, may asawa at residente ng Brgy.Malatap Labo,Cam Norte habang pinaghahanap naman ng otoridad ang isa pa sa mga suspek na nakatakas na kinilalang si Ronnie Alvarez.

Base sa  report ng Camarines Norte Police Provincial Office, habang nagsaasgawa ng anti – illegal mining operations ang pinagsanib na pwersa ng Jose Panganiban MPS, PIB, RSOG at 1st CNPMFC sa nasabing lugar ay nahuli sa akto ang mga nabanggit na suspek na nagsasagawa ng ilegal na pagmimina.

Nabatid na walang kaukulang permit ang mga ito upang magsagawa ng pagmimina sa lugar mula sa mga concerned agencies.

Nakumpiska rin mula sa mga ito ang isang (1) blower, walong  (8) sako ng ore, labing anim (16) na piraso ng dinamita, tatlong (3) cap lamp, tatlong (3) moil at isang (1) pallet.

Nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang mga nadakip na suspek at nakuhang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News