Agosto 8, 2018, Labo, Camarines Norte – Bumagsak sa kamay ng kapulisan ang isang 28 anyos na binata matapos ang isinagawang buy bust operation sa Banana Street, Brgy. Anahaw, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang supsek na si Jayson Yangco y Cabarle, 28 anyos, binata, helper at residente ng Purok 1, Barangay 3, Daet, camarines Norte.

Base sa tala ng Labo Municipal Police Station, dakong 8:45 ng umaga kahapon, Agosto 7, 2018 ang isagawa ng pinagsanib na pwersa ng Labo Municipal Police Station (MPS), 1st and 2nd Camarines Norte Provincial Mobile Force Company at Regional Drug Enforcement Unit-5 ang buy bust operation na nagresulta sa pagkadakip sa suspek matapos positibong makunan ng hinihinalang ilegal na droga.

Nakuha mula dito ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu at Php 500.00 marked money.

Sinaksihan ang nasambit na operasyon ng represenatative mula sa media at ilang opisyal ng naturang barangay.

Nasa kustodiya na ng Daet MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon habang nakatakda namang dalhin sa Camarines Norte Provincial Crime Laboratory Office ang nakumpiskang ebidensiya para sa laboratory examination.

 

Camarines Norte News