Agosto 6, 2018, Daet, Camarines Norte – Pormal nang sinimulan ngayong araw (August 6, 2018) ang Regional Hospital Week Celebration 2018, kung saan ang Camarines Norte Provincial Hospital ang host sa apat na araw na selebrasyon.

Sinimulan ito sa pamamagitan ng Solidarity Mass na ginanap sa CNPH Chapel na dinaluhan ng lahat ng mga participants sa buong rehiyong Bikol. Matapos nito, umusad ang parada na tinawag na Parade of Festival na nagsimula sa Pagamutang Panlalawigan ng Camarines Norte, patungong Kapitolyo Probinsyal.

Samantala, ganap na 9:30 ng umaga ng pormal na magsimula ang programa sa pamamagitan ng Lighting of Torch kung saan isang may kapansanan na nakasakay sa wheelchair ang nagdala ng ilaw patungo sa entablado ng Camarines Norte Agro Sports Center na sinalubong naman ni DOH Regional Director Napoleon Arevalo.

Ang Regional Hospital Week Celebration 2018 ay punong- puno ng mahahalagang mga aktibidad kabilang na ang Ball Games at iba pang Sporting-Events.

Malaking inspirasyon naman para sa mga participants ang naging mensahe ni Governor Jonah G. Pimentel kung saan inihalimbawa nito ang katapatan ng isang angel sa langit na dapat na tularan ng sinuman sa larangan ng palakasan. Pinasalamatan din nito ang lahat ng mga Private and Government Hospitals sa buong Bicol Region na dumalo sa naturang selebrasyon.

Dumating din si DOH Assistant Secretaty Dr. Nestor F. Santiago Jr. bilang representative ni DOH Secretary Francisco Doque.

Sa kanyang Mensahe, pinasalamatan nito si Governor Jonah G. Pimentel dahil sa pagsusumikap nito na lalo pang maisaayos ang serbisyo ng Provincial Government sa mga kababayan nating nagkakasakit at nadadala sa Camarines Norte Provincial Hospital. Ipinaalam rin ni Gov. Pimentel kay DOH Assistant Secretaty Dr. Nestor F. Santiago Jr. na patuloy na dumadami ang bilang ng mga naka-confine sa CNPH kung kayat hindi na tumutugma sa bed capacity ang Panlalawigang Pagamutan.

Dahil dito, nanawagan ang opisyal sa mga Rural Health Units (RHU) sa ibat-ibang bayan sa probinsya na magtrabaho ng mabuti upang sa mga Municipal Health Center pa lamang ay magamot na ang mga may sakit upang maiwasan ang pagdami ng mga pasyente sa mga pampublikong ospital.

Samantala, masaya ang opisyal sa naging bilang ng mga dumalo sa Regional Hospital Week Celebration 2018 kung kayat pinasalamatan din nito ang Provincial health Office (PHO) sa Camarines Norte dahil sa magandang preparasyon bilang host ng naturang selebrasyon.

 

Lino Malabanan (96.9 Radyo Pilipinas)

For Camarines Norte News