Agosto 9, 2018, Daet, Camarines Norte – Kinikilala ng National Press Club (NPC) bilang Bicol Media Organization nito, ang Bicol Pres Club – ang bagong tatag na organisasyon ng mga mamamahayag sa Bicol na  tanging nagpahayag ng intensyon na maging bahagi ng naturang samahan na may organisasyon na rin sa mga Lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija at Tacloban.

Sa ginanap na Induction at Oath-taking noong araw ng Sabado, August 04, 2018, sa Camp Sieon Ola, Legazpi City, sinabi ni NPC President Rolando Gonzalo, na nais nilang ibahagi ang mga programa ng National Press Club sa kapwa nasa larangan ng pamamahayag, katulad ng scholarship program para sa anak ng mga mediamen at housing project para sa mga walang sariling tahanan dahil mas marami niyang kapos pa rin sa buhay na nasa nasabing sektor.

Mabibigyan din ng pagkakataon, maging ang mga working mediamen na makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga existing colleges and Universities, gayundin ang pagkakataong kumuha ng advance courses / studies.

Sa kasalukuyan, apatnaput pitong anak (47) ng mga mediamen ang libreng nag-aaral ng kolehiyo, sa tulong ng National Press Club. Samantala, suportado rin ng nasabing grupo ang mga programa ng Pangulong Rodrigo Duterte, partikular ang pagtatag ng Presidential Task Force on Media Security na higit na magbibigay proteksyon at seguridad sa mga mamamahayag.

Narito ang bumubuo sa bagong tatag na Bicol Press Club:

President : Ruel Saldico
Vice President for Print: Jinky Tabor-MB
VP for TV: Mike Biando
VP for Radio: Antonio Baria-Zagitsit News FM Legazpi
Secretary: Steff Florida- Inquirer
Treasurer: Tere Iraola 
Auditor: Edgar Tumangan-Sorsogon
PIO: Elmer Registrado- Iriga
Performance Officer: Adonis Aguilar Jr
Chairman BOD: Sherwin Mata – Camarines Norte

BPC Board of Directors:

Rodel M. Llovit- Cams. Norte
Ivy Garcia Consuelo-Cams. Norte
Myrna D. Deligero-Camarines Norte
Ken Sumayao Cabaltera -Idol FM Albay
Mar Arguelles- PDI Albay
Nino Luces-Manila Bulletin
Michael Jaucian GMA Albay
Joe Caguimbal DWOS FM Naga
Richard Cecilio -Power FM Naga
Paul Santos-DWNX Naga
Ron Enon Power FM Naga
Arvin Tabuzo-Radyo Pilipinas Virac
Gener Magbojos- GMA7 Masbate
Diosdado Briones-Remate Masbate
Angeles Apin-Padaba FM Sor City
Christian Rempilio-Wow Radio Sor City

Samantala, Guest of Honor and Speaker sa nasabing Induction Ceremony si Senator Cynthia Villar. Dumalo rin at nagbigay ng kanilang mensahe sina Ako Bicol Partlist Representative Atty Rodel Batocabe, Albay Governor Al Francis C. Bichara, Bicol PNP Director Chief Supt. Arnel Escobal, at Presidential Adviser for Bicol Affairs Judge Marvel C. Clavecilla.

Samantala, dumalo at nanumpa rin bilang mga bagong miyembro at opisyales ng Bicol Press Club ang ilang mga mamamahayag mula sa lalawigan ng Camarines Norte.

SM Ivy Consuelo-Garcia (96.9 Radyo Pilipinas)

For Camarines Norte News

Photos from Romil Del Moro