Setyembre 10, 2018, Daet, Camarines Norte – Muling isasagawa sa lalawigan ng Camarines Norte ang orientation para sa mga indibidwal na nagnanais kumuha ng Bachelors Degree o Masters Degree na inihahain ng University of Makati sa kanilang Seminar Type Progam.

Isasagawa ito bukas, Setyembre 11, 2018 simula 10:00 ng umaga sa Little Theater, Agro Sports Center sa bayan ng Daet.

Sa nasabing programa, maaaring mag enrol ang mga manggagawa ng pamahalaan (Local Government Units, National Government Agencies) at iba pang interesadong indibidwal sa mga kursong Bachelor of Arts in Political Science Major in Local Government Administration para sa mga nais kumuha ng Bachelors Degree at Masters in Development Management and Governance naman para sa mga nais kumuha ng Masters Degree.

Sa pakikipag ugnayan ng University of Makati sa Provincial Government ng Camarines Norte, sa pamamagitan ng tanggapan ni Gobernador Jonah G. Pimentel, sinabi ni Dean Ederson DT. Tapia, na ang mga nasambit na kurso ay bahagi ng Educational Innovation.

Ang Seminar type / Executive Program format, ay idinisenyo para sa mga local government executives at empleyado, mula sa mga national government agencies at iba pang interesadong indibidwal.

Layunin nitong matulungan ang mga kawani ng Pamahalaan at madagdagan ang kaalaman sa politico-administrative aspects sa pamamahala ng mga local and national government agencies.

Ayon kay Professor Sonia Fontanilla-Pimentel, Director ng Special Governance Programs,College of Continuing,Advanced and Professional Studies ng University of Makati, tatlong beses isasagawa sa isang buwan, sa loob ng isang taon, ang nasabing pag-aaral kaya naman isa itong magandang pagkakataon na hindi dapat palampasin ng mga Camnorteño.

 

Camarines Norte News

Details courtesy of Ivy Consuelo Garcia (Dwcn Fm-Radyo Pilipinas)