Setyembre 11, 2018, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte – Matinding pasasalamat ang ipinaabot ni San Lorenzo Ruiz Mayor Nelson Delos Santos sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, partikular kay Governor Jonah G. Pimentel, matapos na ibalita nito sa mga miyembro ng local media na pumalo na sa siyamnapung porsiyento (90%) ang nakumpletong Road Concreting Project ng Provincial Government na aabot sa humigit kumulang sa labing isang kilometro (11km) as kanilang bayan.

Ayon sa Alkalde, hindi malilimutan ng kanyang mga kababayan ang inisyatibong ito ng Pamahalaang Panlalawigan na sinimulan pa ni Hon. Edgardo A. Tallado na sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy ni Gov. Jonah G. Pimentel. Tamang-tama din aniya ito dahil sa papalapit na Buyoboy Festival ng kanilang bayan na magsisimula sa September 20 hanggang September 28, 2018.

Matatandaan na ang naturang proyekto ay pinagsumikapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte at pinondohan ng milyon-milyong halaga galing sa buwis ng taong bayan. Idinagdag pa ng opisyal na hindi na rin ikahihiya ng lokal na pamahalaan ang kanilang kalsada sa mga dadayong bisita sa selebrasyon ng buyoboy Festival.

Nagpapasalamat din si Mayor Delos Santos dahil sa walang patid na suporta ng Provincial Government sa emplementasyopn ng ibat-ibang proyekto sa kanilang lugar. Dahil dito, mas lalo aniyang tumibay ang paniniwala ng kanyang mga kababayan sa administrasyong ito.

Naniniwala ang opisyal na sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan at ng Pamahalaang Panlalawigan ay makakamit ng taong bayan ang tunay na kaunlaran.

 

Lino Malabanan (96.9 Dwcn Fm-Radyo Piipinas)

For Camarines Norte News