Setyembre 12, 2018, Daet, Camarines Norte – Bilang pagtupad sa pangako ni Hon. Edgardo Tallado at Governor Jonah G. Pimentel na bibigyan nila ng suportang pinasyal ang mga Senior Citizens sa lalawigan ng Camarines Norte na hindi naka-avail ng buwanang pension mula sa National Government, umabot sa apat na daan at dalawamput pitong (427) mga mahihirap na Senior Citizens sa dalawamput limang (25) barangay ng bayan ng Daet ang nabiyayaan ng Financial Assistance na nagkakahalaga ng limang daang piso (500) bawat isa mula sa Provincial Government.

Sa mensahe ni Gov. Jonah Pimentel sa harap ng mga Senior Citizens kahapon, Setyembre 11, 2018, sinabi nito na tinupad na ni Hon. Edgardo Tallado ang kanyang pangako at ito ay ipinagpapatuloy lamang ng kanyang administasyon bilang itinalagang gobernador ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Aniya ito ay bilang pagpapatunay na ang administasyong Tallado at Pimentel ay may tunay na pagkalinga at Palabra De Honor o may isang.Napakahalaga aniya sa isang lingkod bayan ay may isang salita na kanila ngang napatunayan.

Nilinaw din ng Gobernador na hindi lamang sila ang naging daan para sa katuparan ng programa, katuwang din aniya dito ay ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. Ang mga ito aniya ang tumutulong upang ang pondo para sa mga Senior Citizens ay maaprubahan sa Sanggunian at maipamahagi.

Dumating din sa naturang aktibidad si Daet Municipal Councilor Renato “Atoy” Moreno kung saan siya ang kumakatawan sa mga Senior Citizens sa konseho ng Daet.

Ang Financial Assistance Distributions ay hinati sa dalawa, isang daan at labing dalawa (112) sa umaga at isang daan at labing lima (115) sa hapon na pinangunahan ng tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

 

Lino Malabanan (96.9 Dwcn Fm-Radyo Pilipinas)

For Camarines Norte News