Setyembre 13, 2018, Basud, Camarines Norte – Kulungan ang bagsak ng isang 48 anyos na maybahay matapos itong makunan ng hinihinalang ilegal na droga sa mismong tahanan nito sa Purok 2, Brgy. Taisan, bayan ng Basud.

Base sa tala ng Basud Municipal Police Station, dakong 1:30 kaninang madaling araw nang isagawa sa tahanan ng suspek na si Maricel Monterde y Lamadrid ang implementasyon ng search warrant ng Basud MPS kasama ang mga personel ng 1st CNPMFC kung saan positibong nakuha mula dito ang anim (6) na piraso ng maliliit na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sinaksihan ang naturang operasyon ni Brgy. Captain Helen Ponayo at kinatawan mula sa media.

Nasa kustodiya na ng Basud MPS ang nadakip na suspek at nakuhang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Donde Consuelo