Setyembre 17, 2018, Daet, Camarines Norte – Tama ng saksak ang tinamo ng isang 17 anyos na binatilyo mula sa isang binatang nakaalitan nito kaninang 2:20 ng madaling araw sa CaIle Sexy St., Purok 4, Brgy. V, bayan ng Daet.

Kinilala ang biktima na si Daniel Buesalida, 17 anyos, residente ng nasambit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek na si Justin Russel Mabeza, 18 anyos, binata, residente ng Purok 4, Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte na nauwi pa sa suntukan hanggang sa bumunot na umano ng icepick ang huli at sinaksak ang biktima.

Agad na dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ang biktima na nagtamo ng tama ng saksak sa dibdib.

Agad ding naaresto ang suspek na nasa kustodiya na ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News