Oktubre 3, 2018, Daet, Camarines Norte –Ano man na araw mula ngayon, maaaring magbalik-kapitolyo na ang nasuspinde na si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado.

Nitong Setyembre 26, 2018 kasi, nagbaba na ng desisyon ang Special Special Seventh Division ng Court of Appeals sa hiniling na petition for review ni Tallado sa ipinalabas na Dismissal Order ng Ombudsman laban sa kanya kaugnay ng kasong Grave Misconduct and Abuse of Authority ni dating Camarines Norte Provincial Veterinarian Edgardo Gonzales at pag-kwestyon ng kampo nito sa ‘second reassumption’ niya noong Hulyo 1, 2016 habang dinidinig ng CA ang petisyon.

Ayon sa desisyon ng nasambit na dibisyon ng CA, hindi grave misconduct kundi simple misconduct lang ang nagawa ni Tallado ng gawin niya ang ‘second reassumption’.

“We stress that the petitioner cannot be completely faulted for his second reassumption on July 1, 2016 on the strength of the above-mentioned Section 66 (b) of the Local Government Code and Salalima case because although We just ruled that the said provision of law and jurisprudence are inapplicable they were actually the bases of the Court of Appeals in reducing the penalty of suspension to six (6) months in its May 12, 2016 Decision.”

“In fine, petitioner should only be held liable for simple misconduct. Simple misconduct is punishable under Section 46(D) (2) of the Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RRACCS) with suspension of (1) month and one (1) day to six (6) months.

Dahil hindi agad sumunod si Tallado sa May 12, 2016 CA decision na inihain sa kanya ng DILG-Camarines Norte noong Agosto 5, 2016, isinagad ng CA sa anim na buwan ang suspensyon dito.

“WHEREFORE, in view of the foregoing case, the instant petition for review is PARTIALLY GRANTED. Petitioner Edgard A. Tallado is found guilty of Simple Misconduct and is meted the penalty of suspension of six (6) months.”

Ipinaliwanag ng tagapagsalita ng gobernador na si PIO Sherwin Mata kung bakit ‘partially granted’ ang naging desisyon ng CA sa petition for certiorari ni Tallado sa Ombudsman decision.

“Ang ibig sabihin kasi ng partially granted, hindi maibibigay yung buong desisyon sa hinihingi ni gov sa petition for certiorari sapagkat yung desisyon ay nakaabot from grave misconduct to simple misconduct na ang penalidad ay 1 month to 6 months. Ang hinihingi (sana) ni gov, mapawalang-bisa lahat, so ang ibinigay lang ng husgado, pinaboran siya na simple misconduct lang ang nagawa niya.” Paliwanag ni Mata.

Ayon sa desisyon ng CA Special Special 7th Division, napagbayaran na ni Tallado ang anim na buwang suspensyon simula ng boluntaryo itong bumaba sa pwesto noong Marso 14, 2018.

Kaya asahan na daw ang reinstatement ng DILG kay ‘Egay’ bilang gobernador muli ng Camarines Norte sa susunod na mga araw.

“Hinihintay natin (order) yung pirmado ni Sec. Año, from the DILG secretary, ibababa, icocourse through yan sa regional director, papunta dito sa Camarines Norte at ire-reinstall siya kasama yung implementing order naka-attach yung buong record nung kaso.” Pahayag pa ni Mata.

Inaasahan ng kampo ni Tallado na ito na ang huli tungkol sa kasong ito dahil hindi na umano maaari pang kwestiyunin sa Korte Suprema ninuman ang desisyon ng Court of Appeals.

Nagkaroon ng ‘interruption’ sa huling termino bilang gobernador ni Tallado, kaya pwede muli umano itong tumakbo sa parehong pwesto sa loob ng panibagong tatlong termino.

“Ang maganda nito, yung disadvantage ni Gov, naging advantage, because of the interruption, eligible to run pa siya for 3 terms, that is 9 years. Siya pa rin an gaming kandidato dito sa probinsiya bilang governor.”

Bago ang inaabangan na pagbabalik-kapitolyo ni Tallado, papangunahan muna nito ang proclamation rally ng mga kapartido niya sa ika-5 ng Oktubre, limang araw bago ang filing of certificate of candidacy mula Oktubre 11-17, 2018 para sa 2018 Midterm elections.

 

Camarines Norte News