Oktubre 10, 2018, Vinzons, Camarines Norte – Isa ang patay habang isa naman ang sugatan matapos bumangga ang isang Euro motorcycle sa isang Elf loader Mitsubishi truck sa Brgy. Sto Domingo, Vinzons dakong 12:30 kaninang madaling araw.

Kinilala ang nasawing driver ng sangkot na motorsiklo na si John Rey Elep, 19 anyos,  residente ng Brgy. Calangkawan Sur ng nasambit na bayan habang sugatan naman ang backrider nito na si Jonel Bare, 20 anyos, residente ng Brgy.Masalong, bayan ng Labo.

Kinilala naman ang driver ng elf truck na si Jayson Bertiz Balla, nasa hustong edad, residente ng  Libmanan, Camarines Norte.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Vinzons Municipal Police Station, nagmamaneobra ang elf truck sa nasambit na lugar ng bigla na lamang sumalpok dito ang nasambit na motorsiklo na naging sanhi upang tumilapon sa kalsada ang mga driver at backrider nito.

Agad na dinala sa pagamutan ang dalawa subalit idineklarang dead on arrival si Elep dahil sa tindi ng pinsalang tinamo nito habang boluntaryo namang nagtungo ang truck driver sa nasambit na himpilan ng kapulisan.

Nagsasagawa na ang Vinzons MPS ng follow up investigation ukol sa nasambit na insidente.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Aris Alexopoulos