Nobyembre 7, 2018, Daet, Camarines Norte РNapanatili ng bayan ng Labo ang titulo bilang pinakamayamang munisipalidad sa lalawigan ng Camarines Norte sa asset na Php 780, 709  at revenue na Php 291,775. Batay ito sa datos na inilabas ng Commission on Audit (COA) para sa taong 2017.

Pumangalawa naman dito ang bayan ng Daet na nakapagtala ng asset na Php 495, 135 at revenue na Php 284,551.

Narito ang kumpletong tala ng mga assets ng bawat munisipyo base sa report ng COA:

  1. Labo Php 780, 708
  2. Daet Php 495, 135
  3. Sta. Elena Php 379, 506
  4. Basud Php 367, 224
  5. Jose Panganiban Php 309, 825
  6. Paracale Php 290,157
  7. Capalonga Php 276, 876
  8. Mercedes Php 247, 781
  9. Vinzons Php 226, 253
  10. San Lorenzo Php 178, 973
  11. Talisay Php 174, 340

12.San Vicente Php 91, 602

Ang mga sumusunod naman ang naitalang revenue ng labindalawang munisipalidad:

  1. Labo Php 291, 775
  2. Daet Php 284, 551
  3. Jose Panganiban Php 157, 995
  4. Paracale Php 148, 333
  5. Mercedes Php 142, 067
  6. Basud Php 128, 005
  7. Sta. Elena Php 122, 486
  8. Capalonga Php 118, 891
  9. Vinzons Php 115, 396
  10. Talisay Php 75, 546
  11. San Lorenzo Ruiz Php 74, 972
  12. San Vicente Php 53, 905

Samantala, sa buong rehiyong Bicol ay napanatili ng Naga city ang titulo bilang pinakamayamang siyudad sa asset na 4.67 bilyon  at revenue na 1.2 bilyong piso sa kabuuang pitong syudad sa bikol.

Sa kategorya naman ng mga probinsiya, nanguna ang lalawigan ng Camarines Sur sa asset na Php 7, 570, 636 at revenue na Php 2, 712, 006. Pumangatlo naman ang lalawigan ng Camarines Norte sa asset na Php 4, 959, 866 at pumanlima sa revenue na Php 1, 242, 795 sa kabuuang anim na lalawigan ng Bicol.

 

Orlando Encinares

Camarines Norte News