Nobyembre 8, 2018, Daet, Camarines Norte – Nagpalabas ng kaukulang press release ang Department of Health (DOH) Region 5 hingil sa panukalang itaas ang buwis ng mga tobacco products na agad naman na magreresulta sa pagtaas ng presyo ng sigarilyo sa mga pangunahing merkado at pamilihan.

Ayon sa DOH, pasado na sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang nasabing panukala kaya nararapat na umanong ihanda ang mga karampatang hakbang tungo sa nakaambang pagtaas ng presyo ng mga “sin products” tulad ng sigarilyo.

Ayon pa sa DOH, bukod sa makakadagdag sa pondo ng bayan ang nasabing hakbang, makakabawas pa ito sa bilang ng mga Pilipinong naninigarilyo, dahilan upang mabawasan rin ang bilang ng mga namamatay sa mga sakit na dala nito.

Tinatayang nasa 1 milyong smoking related deaths ang maiiwasan sa oras na maipatupad ang nasabing panukala. Samantala, 67% naman ng populasyon ang sang-ayon sa pagpataw ng karagdagang buwis sa sigarilyo kaya wala umanong nakikitang hadlang ang nasabing ahensya upang hindi maipasa ang nasabing panukala.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News