Nobyembre 8, 2018, Daet, Camarines Norte – Nasungkit ng isang mananaya mula sa Naga city ang 30 million jackpot prize sa PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) 6/42 Lotto draw nitong nakaraang Martes, Nobyembre 6, 2018.

Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, nabili ng maswerteng nanalo ang kanyang ticket sa isang lotto outlet sa lungsod ng Naga. Ang nasabing winning combination numbers ay ang mga sumusunod: 19-02-31-10-08-22, na may total jackpot prize na aabot sa Php 31,846,491.

Samantala wala pa ring nananalo sa 6/58 Ultra Lotto na may kabuuang jackpot prize na 49 million pesos, matapos ang makasaysayang 1.18 billion prize nitong mga nakaraang buwan.

Hinihikayat naman ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games dahil sa malaking parte ng mga kita nito ay napupunta sa mga indigent beneficiaries at mga proyekto para sa kawang gawa.

Para sa mga updates tungkol sa iba’t ibang lotto games, pwedeng bisitahin ang PCSO official website: https://www.pcso.gov.ph/ para sa iba pang mga datos.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News