Nobyembre 8, 2018, Daet, Camarines Norte – Di na naitanggi pa ng isang lalake sa bayan ng Daet ang kanyang pagkakasangkot sa bentahan ng iligal na droga matapos siyang matimbog ng pinaghalong mga operatiba ng Daet Municipal Police Station at PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency)Regional Office 5 mga dakong alas singko ng hapon, Nobyembre 8 sa Happy Homes Centro, Purok 1, Barangay Lag-on, sa bayan ng Daet.

Kinilala ang suspek bilang si Justine Cruz Yumon, dalawampu’t dalawang(22) taong gulang, binata at residente ng Barangay Gubat, sa nasabing bayan.

Narekober sa suspek ang limang daang piso (Php 500.00) na buy bust money at dalawang pares ng sachet na pinaghihinalaang naglalaman ng shabu at marijuana.

Haharapin ng nasabing suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang mga disposisyon.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News

Photo courtesy of Donde Consuelo