Nobyembre 8, 2018, Daet, Camarines NorteAarangkada na ngayong darating na Nobyembre 18 ang isa sa mga pinaka inaabangang  patimpalak hindi lamang ng mga manlalaro kundi pati na rin ng libo libong basketball fans sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ay ang Inter – Elementary and Secondary Basketball Tournament na handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Camarines Norte Provincial Sports Office at Provincial Youth Affairs Office.

Ang nasabing kumpetisyon ay lalahukan ng iba’t ibang manlalaro mula sa mga piling paaralan sa elementarya at sekondarya sa nasabing lalawigan.

Apat (4) na paaralan mula sa elementarya at labing isa (11) naman sa sekondarya ang maglalaban laban upang masungkit ang kampeonato at premyong aabot sa 60,000 Php ng nasabing patimpalak.

Ang mga sumusunod ay ang mga opisyal na paaralang lalahok sa kumpetisyon.

Para sa Elementary Level: F. Caudilla Elementary school, Daet Elementary School, Vinzons Pilot Elementary School, at Montessori Children’s House of Learning.

Para naman sa Secondary Level: Jose Panganiban National High School, San Lorenzo Ruiz National High School, La Consolacion College of Daet, Camarines Norte National High School, Montessori Children’s House of Learning, Tulay na Lupa National High School, Chung Hua High School, Moreno Integrated School, Bulala High School, Basud National High School at Vinzons Pilot High School.  

Inaasahang magiging mainit ang aksyon at labanan ng mga nabanggit na koponan ngayong Nobyembre sa pag arangkada ng nasabing kumpetisyon. Pormal na sisimulan ang torneyo sa darating na Nobyembre 18, dakong ala una ng hapon sa Agro Sports Center sa Daet, Camarines Norte.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News

Photo from Camarines Norte Provincial Sports Office Facebook Page