Nobyembre 12, 2018, Daet, Camarines Norte – Binigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ang Camarines Norte Provincial Police Office (CNPPO) na kilala rin bilang Pulis Bantayog para sa natatangi nitong commitment at aktibong pakikiumisa sa mga programa ng gobyerno.

Napag alamang pumasa ang nasambit na opisina sa ebalwasyong isinagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa limang kategoryang napapailalim sa peace and order.

Ang nasambit na pagpasa ay isa sa mga aspetong isinaalang alang ng DILG sa pagbibigay ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance sa lalawigan ng Camarines Norte sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Edgardo “Egay” Tallado kaya naman minarapat nitong bigyan ng pagkilala ang nasambit na hanay ng kapulisan.

Labis naman ang pasasalamat ng CNPPO sa pamumuno ni PSSupt. Cerillo D. Trilles Jr. sa naturang pagkilala gayundin sa walang sawang suporta na ipinaabot ni Gov. Tallado, Vice Gov. Jonah Pimentel, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga opisayal ng lokal na pamahalaan at maging ng mga CamNorteño sa kanilang mga programa, proyekto, aktibidad at mga adhikain.

Sa huli ay nangako ang Pulis Bantayog na magpapatuloy at mas pag-iibayuhin pa ang kanilang serbisyo lalung lalo na sa pangangalaga sa seguridad at kaayusan ng publiko.

Mananatili din umano ang kanilang pagiging aktibong partner ng Pamahalaang Panlalawigan para sa ikauunlad ng Camarines Norte.

 

Camarines Norte News