Nobyembre 12, 2018, Vinzons, Camarines NorteWala ng buhay ng matagpuan ang isang human fetus na hinihinalang limang (5) buwan na ang edad sa Brgy. Singi ng naturang bayan.

Base sa tala ng Vinzons Municipal Police Station, dakong 8:00 kagabi, Nobyembre 11, 2018 nang magtungo sa naturang himpilan ng kapulisan sina Brgy. Kagawad Jimmy Villar at Brgy. Kagawad Nicolas Pedir upang ipagbigay alam at iturn over ang natagpuang bangkay ng sanggol.

Sa ngayon ay inaalam pa ng kapulisan ang posibleng pagkakakilanlan ng ina ng sanggol na hinihinalang iniwan o itinapon sa nasambit na lugar.

Kaugnay nito, nananawagan ang kapulisan na kusa nang lumutang ang ina nito upang balikan ito at mabigyan ng maayos na libing.

Nagpaalala din ang kapulisan na sana ay hindi na madagdagan pa ang ganitong uri ng krimen.

 

Camarines Norte News