Nobyembre 15, 2018, Daet, Camarines Norte – Aabot pa sa labing isang posisyon o trabaho sa DEPED Camarines Norte ang hindi pa napupunan at bakante pa rin hanggang sa ngayon. Yan ay kasunod na rin sa ipinalabas na Division Memorandum No. 214 Series of 2018 ng nasabing ahensya nito lamang na ika – labindalawa  (12) ng Nobyembre 2018.

Ayon sa nasabing memorandum, ipinagbibigay alam sa lahat na bukas na ang assessment at application para sa ilang mga trabaho sa nasabing ahensya.

Ilan sa mga bakanteng posisyon ay ang  Administrative Aide, Disbursing Officer, Senior Bookkeeper, Administrative Assistants and Officers, School Librarian, Head Teachers at Principal 1.

Kinakailangan na magsumite ng mga kaukulang dokumento ang mga interesadong aplilkante bago sumapit ang Nobyembre 21, 2018. Ilan sa mga kailangang dokumento ay Omnibus certification, Civil Service form 212, Transcript of Records, Certificate of Eligibility, Service Record, Accomplishments, Training certificates at iba pa.

Para sa karagdagan at kumpletong impormasyon maaring puntahan ang link na ito: https://www.facebook.com/748650261859799/photos/pcb.2008355035889309/2008354872555992/?type=3&theater o kaya’y personal na magtungo sa tanggapan ng DEPED Camarines Norte sa bayan ng Daet.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News