Nobyembre 19, 2018, Daet, Camarines Norte – Bumagsak sa kamay ng otoridad ang tatlong kalalakihan matapos ang pambubugbog umano ng mga ito sa isa pang lalaki sa Purok 3, Brgy. Dogongan, Daet, Camamrines Norte dakong 8:30 kagabi, Nobyembre 18.

Base sa tala ng Daet Municipal Police Station, naglalakad umano pauwi sa kanilang tahanan sa Purok 2 ng nasambit na barangay ang biktimang si Mark Jerald Robelo y Ligao, 25 anyos, may asawa, nang bigla na lamang itong bugbugin ng mga suspek na kinilalang si Reymark De Vera y Marahay – 26 anyos, Jericho Bautista y Danao – 21 anyos at Richard De Vera y Marahay – 25 anyos.

Bunsod nito nagtamo ng sugat at pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Agad namang naaresto ng mga rumispondeng Barangay Tanod ang mga suspek at itinurn-over sa Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng nasambit na himpilan ang mga suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

 

Camarines Norte News