Nobyembre 19, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Hindi na nakapalag pa ang isang minero sa sa mga otoridad matapos positibong makunan ng hinhinalang shabu sa kaniyang tahanan sa Purok 1, Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong si Jupiter “Jogs”  Babasa y Enciso, 52 anyos, isang minero.

Base sa tala ng Jose Panganiban Municipal Police Station, dakong 4:3o ng hapon kanina nang isagawa ng pinagsanib na pwersa ng Jose Panganiban MPS  at 2nd CNPMFC ang implementasyon ng search warrant sa tahanan ng nasambit na suspek kung saan positibong nakuha dito ang isang (1) plastic sachet na naglalaman  ng lima (5) pang heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga.

Ngaresulta ito sa pagkakakdakip sa suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang kasong isasampa para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Camarines Norte News